Wednesday, March 30, 2011

Litrato

Nag-upload ang propesor sa PI 100 ng mga litrato galing Banahaw. Mahigit isang buwan na pala yun. Pero ito ang mga nakita ko:

Groupmates ko, kasama si Sir Nilo sa Kalbaryo. Kalbaryo kung kalbaryo ang pag-akyat! Ang daming sunflowers sa bundok. Actually, ang daming iba't ibang bulaklak sa bundok.

Ang dami kong kinain noong umaga.

Katibayang [literal na] gumapang ako sa maliit at masikip na kuweba. Halata namang mahirap diba, mukha ko pa lang. At ang damit ko, puro putik lang naman!

Masarap magpamasahe sa tubig.

Groupmate kong matagal bago nakatalon sa bato. Pero nakatalon naman siya.

Isa pang classmate na tumalon.

Sino itong batang 'tong kahit blurred eh halatang abot-tenga ang ngiti dahil perstaym niyang nakaligo sa talon?

SUMMER NA! Adventures ulit!

No comments:

Post a Comment